Inaasahan na ng Commission on Population and Development o POPCOM ang 0.3% o 324,000 na pagtaas ng populasyon ng bansa ngayong 2021 na pinakamababang pag-akyat sa loob ng 75 taon.
Inihayag ng POPCOM na ang taunang “natural increase” ang pinakamababa sa simula ng 1946 at 1947 kung saan 254,000 lamang ang naitalang pagtaas sa bilang.
Ang “natural increase in population” ay pagtaya base sa bilang ng mga isinilang kung saan ibinabawas ang bilang ng namamatay sa partikular na panahon.
Aabot na ang populasyon ng Pilipinas sa 109, 991, 095 sa pagtatapos ng 2021, kumpara sa 107M sa kaparehong panahon noong isang taon.
Ipinaliwanag ni POPCOM Undersecretary, Dr. Juan Perez III na ilan sa dahilan ng pagbagal ang pag-iwas muna ng mga pinoy na magkaroon ng mga anak o bumuo ng pamilya dala ng Economic crisis at COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Drew Nacino