Isinisi sa pag-usad ng teknolohiya at mabilis na internet speed ang paglobo ng sexual sex abuse sa mga kabataan sa Pilipinas, gamit ang internet.
Ayon kay David Westlake, Chief Executive ng IJM o International Justice Mission, isang anti-slavery group, isa ring dahilan ang pagiging bihasa ng mga Pilipino sa Ingles kayat patok ang ginagawa nilang sex video sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sinabi ni Westlake na maituturing na brutal ang online sex abuse sa kabataan dahil masyadong bata ang mga biktima at kung minsan ay sangkot pa ang kanilang mga magulang sa paggawa ng krimen.
Halos kalahati anya ng mga biktima na kanilang nailigtas ay nasa edad isa hanggang labing dalawang (12) taong gulang lamang.
Kabilang anya dito ang isang pitong (7) taong gulang na batang lalake na ginawan ng video na live ipinalalabas habang gumagawa ng kalaswaan sa kanyang kapatid na babae.
Batay sa datos ng UNICEF, halos dalawang (2) milyong bata ang ginagamit sa sex trade kada taon at hindi pa kasama rito ang cybersex trafficking.
By Len Aguirre