Hindi pa napapanahon na magluwag sa face mask mandate ang bansa.
Ito’y ayon kay Philippine College of Physicians Immediate Past President Dr. Maricar Limpin, dahil posible itong magdulot ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo’t kababalik lamang ng face-to-face classes ng mga estudyante.
Partikular aniya na maaaring tamaan ng severe COVID ang mga senior citizens, may comorbidities, at immunocompromised individuals.Iginiit pa ni Lim na mababa pa rin ang bilang ng mga natuturukan ng booster jabs.
Umaasa naman si Limpin na pag-iisipang mabuti ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force ang rekomendasyon nito sa pagluluwag ng polisiya sa pagsusuot ng face masks sa outdoor areas.
Kapag ginawa aniyang opsyonal ang pagsusuot ng face masks ay mas malaki ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng bansa sa oras na maraming tamaan ng sakit.