Mariing tinutulan ng grupo ng mga doktor ang pagluluwag ng facemask policy sa outdoor settings o open spaces.
Ayon Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) President Dr. Jose De Grano, kahit nasa low risk na ang mga ospital sa bansa, mataas parin ang kaso ng COVID-19 na umaabot ng 2,000 hanggang 3,000.
Sinabi ni De Grano na hindi pa dito kasama ang mga nagse-self-test kit sa kanilang mga bahay at hindi na nagpapa-RT-PCR Test.
Iginiit din ni De Grano na ang pagluluwag ng facemask ay may malaking tiyansa na magdulot ng mataas na kaso ng COVID-19 lalo na’t mababa parin ang vaccination rate ng bansa.
Mataas din ang tiyansa na maipasa ng mga carrier ang infection sa mga nakakasama nito sa loob ng kanilang bahay.
Dahil dito, mas mahihirapan ang bansa na maitaas ang healthcare system dahil sa mababang vaccination rate.
Samantala, inihiling naman ng OCTA Research Group sa pamahalaan na maglagay ng mga mekanismo na magiging hudyat upang ibalik ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa pampublikong lugar.