Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang pagluluwag sa Foreign investors o panukalang magbubukas sa mas maraming dayuhang mamumuhunan sa bansa.
Nakakuha ng botong 19-3-0, ang inaprubahang Senate Bill 2094 sa Hybrid Plenary Session kung saan, layunin nitong amyendahan ang Public Service Act upang paluwagin ang restriksiyon sa mga dayuhan at mabigyan ang mga pilipino ng mas marami at mas maayos na pagpipilian.
Malaking tulong din ito sa pag-angat ng ekonomiya na mapapakinabangan ng susunod na henerasyon sa liberalisasyon ng public services ng bansa.
Laman din ng naturang panukala ang pagpapataw ng parusa sa mga taong lumalabag sa batas sa pamamagitan ng multa na hindi bababa sa current value ng original fine batay sa consumer price index, o pagkakakulong na hindi bababa sa anim na taon hanggang 12 taon.
Una nang sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte ang Sbn 2094, dahil malaki ang maitututlong nito sa pagbangon ng pilipinas mula sa epekto ng Covid-19 pandemic, at pagpapalakas ng foreign capital sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero