Kinontra ng ECOP Employers Confederation of the Philippines ang panukalang bigyan ng mas maluwag na restrictions ang mga fully vaccinated.
Ayon kay Sergio Ortiz-Luis, pangulo ng ECOP, malinaw na discriminatory ang panukalang tanging ang mga bakunado lamang ang payagang makalabas ng bahay bagama’t pabor naman silang mabigyan ng insentibo o benepisyo ang mga nabakunahan na.
Sinabi ni Luis na hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon at dapat payagang magtrabaho lalo na kung APOR lalo pa’t hindi naman mabibigyan ng ayuda ng gobyerno sakaling hindi magtrabaho kapag nagpatupad ng lockdown.