Tiniyak ng Department of Health (DOH) ang pagtutok sa mga programang tumutugon sa iba pang nakakahawa at nakakamatay na sakit.
Ayon kay health undersecretary Maria Rosario Vergeire, maraming pasilidad sa mga ospital ang inilaan muna sa mga COVID-19 patients.
Ilan sa mga ito ay para sa may sakit na tuberculosis o tb kung saan nitong 2020 ay nasa mahigit sa 250K na ang mga bagong kaso.
Pero ngayong nagluwag na ng restriksyon, umaasa ang DOH na matutukoy at magagamot na ang mga may ganitong sakit. – sa panulat ni Abigail Malanday