Ikinalungkot ng mga Negrense ang Executive Order ng Pangulong Rodrigo Duterte na lusawin ang Negros Island Region at muling paghiwalayin ang dalawang lalawigan ng Negros.
Ayon kay Negros Occidental Governor Alfredo Maranion Jr, dismayado sila sa naging hakbang ng Pangulo subalit wala silang magagawa kundi tanggapin at irespeto ang desisyon.
Gayunman, tiniyak ni Maranion na ipagpapatuloy nila ang kooperasyon sa Negros Oriental upang matiyak na walang negatibong epekto ang muli nilang paghihiwalay.
Sa ilalim ng EO ng Pangulo, ibinabalik na sa Western Visayas o Region 6 ang Negros Oriental samantalang sa Negros Occidental ay balik na sa Central Visayas o Region 7.
Una nang ikinatwiran ng Malacañang ang kawalan ng pondo para sa pagtatatag ng regional offices kayat nagpasya silang luwasin ang Negros Island Region na siyang pinakabata sanang rehiyon sa bansa.
By Len Aguirre