Maituturing na napakababaw at kahiya-hiya ang pagluost sa ikalawang pagbasa ng panukalang ibalik ang parusang bitay sa Kamara.
Ayon kay dating CBCP President at Retired Archbishop Oscar Cruz, hindi na kailangan kung tutuusin ang pagpasa ng batas dahil nagagawa naman na ito pitong buwan mula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Patunay na aniya rito ang 7,000 biktima ng mga pagpatay bunsod ng mga ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa ilalim ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.
Giit pa ni Cruz, nangyari na ang pagkakaroon ng death squad sa Davao nuong alkalde pa si Pangulong Rodrigo Duterte at hindi aniya malabong magbalik ito ngayon.
By Jaymark Dagala