Tagumpay para sa Duterte Administration ang paglusot sa ikatlo at huling pagbagsa sa Kamara ng House Bill 4727 o panukalang pagbuhay sa parusang bitay.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagbuhay sa capital punishment ay alinsunod sa hangarin ng administrasyon na matuldukan o mabawasan ang illegal drug-related criminality.
Mabisa anyang pangontra sa krimen ang death penalty upang ma-protektahan ang buhay ng mga inosenteng mamamayan.
Dagdag ni Abella, umaasa sila na makalulusot din sa Senado ang naturang panukala na isa sa pinaka-mahalagang armas ng Duterte Administration sa giyera kontra droga at kriminalidad.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping