Posibleng maharap sa problema ang mga sinumang tatayong abogado para kay SPO3 Arthur Lascañas.
Ito’y ayon kay VACC o Volunteers Against Crime and Corruption Legal Counsel Atty. Ferdinand Topacio ay dahil sa mga pabagu-bagong pahayag ni Lascañas hinggil sa DDS o davao death squad.
Ayon kay Topacio, dapat matiyak ng mga tumutulong na abogado kay Lascañas na totoo ang mga sinasabi nito lalo’t isa sa mga naging pahayag nito ay under oath sa naunang pagidinig ng senado.
PAKINGGAN: Pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, Legal Counsel ng VACC
Kumpiyansa si Topacio na ang paglutang ni Lascañas ay paraan lamang ni Senadora Leila De Lima upang malihis ang atensyon sa isinampang kaso laban sa kaniya ng DOJ o Department of Justice.
PAKINGGAN: Pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, Legal Counsel ng VACC
By Jaymark Dagala