Pag-aaralan mabuti ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagsasailalim sa maluwang na quarantine restriction ang bansa.
Ito’y matapos dumoble ang bilang ng kaso ng mga tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Testing Czar at Deputy Chief Implementer of The National Task Force against COVID-19 Vince Dizon, susuriin nila kung ano ang naging sanhi ng pagtaas ng kaso lalo na sa Metro Manila.
Dagdag ni Dizon, tinitignan din muli kung ipapatupad ang mga barangay quarantine passes para sa mga lumalabas sa kanilang tahanan.
Bukod dito, tiniyak naman ni Dizon na mas paiigtingin ang pagpapatupad ng mga health protocols sa lugar upang makontrol ang paglaganap ng virus.
Samantala, sa mga susunod na araw maglalabas ng mas malinaw na desisyon ang pamahalaan hinggil sa nangyayaring pagtaas ng kaso sa bansa. —sa panulat ni Rashid Locsin