Sinabi ni ALU-TUCP Spokesperson Atty. Alan Tanjusay, na nakatulong sa maraming Pilipino ang pagluwag ng restrction sa bansa kabilang na dito ang pagtaas ng kapasidad sa mga establisyimento at transportasyon.
Bukod pa dito, tumaas nadin ang bilang ng mga negosyong nagparehistro at muling nagbukas dahilan para dumami ang mga Pilipinong nagkaroon ng trabaho sa kabila ng banta ng panibagong virus na Omicron variant.
Matatandaang sa naging datos ng Social Weather Stations, bumaba sa 11.9-M ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho sa 3rd quarter ng 2021.
Kumpiyansa naman si Tanjusay na muling sisigla ang online business sa pagpasok ng taong 2022.—sa panulat ni Angelica Doctolero