Naiyak sa tuwa ang mga Overseas Filipino Workers matapos luwagan ng pamahalaan ang restriction sa bansa.
Kasunod ito ng muling pagbaba ng Metro Manila sa Alert level 2 bunsod ng patuloy na pagbaba ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Ayon sa ilang OFWs, mas mabilis nilang makakapiling ang kanilang mga mahal sa buhay dahil sa pagluwag ng protocols sa mga fully vaccinated individuals.
Nabatid na tanging negatibong resulta nalang sa RT-PCR test ang kailangang ipasa ng mga fully vaccinated 48 oras bago ang kanilang biyahe kasama ng vaccination card.
Samantala, nagpaalala naman si Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat na kahit na niluwagan ang restriksiyon sa mga bakunadong indibidwal ay dapat na masunod parin ang minimum health and safety protocols upang masigurong ligtas ang bawat isang indibidwal. —sa panulat ni Angelica Doctolero