Tila pinaboran ni National Economic and Development Authority Director-General Ernesto Pernia na luwagan ang Filipino-Ownership Requirement sa mga media entity.
Ayon kay Pernia, sa kanyang personal na opinyon ay hindi naman masamang ideya sa isang globalized environment na bawasan ang restriksyon sa foreign ownership.
Kahit anya payagan ang foreign ownership sa media, dapat ay pangunahing responsibilidad ng mga Filipino Editorial Control.
Ipinunto ni Pernia na kailangan lamang ng mahigpit na regulasyon sa pamamagitan ng Filipino-Controlled Editorial Policy kabilang ang mga balitang dapat ibahagi ng mga foreign counterpart.
Magugunitang ni-revoke ng Securities and Exchange Commission ang Certificate of Incorporation ng online media organization na Rappler dahil lumabag umano ito sa Article 16, Section 11 ng 1987 Constitution o Media Ownership.