Naniniwala ang isang agriculture advocacy group na maaring naiwasan sana ang pagsirit ng napakamahal na presyo ng bigas kung nagkaroon lamang ng blueprint ang pamahalaan para sa rice industry development.
Ayon kay Inang-Lupa Movement Inc. Founder and President William Dar, dapat pag-upo pa lamang ng administrasyong Duterte sa pamahalaan noong 2016, agad na itong bumuo ng road map upang mapigilan ang mga kaso ng rice shortage.
Wala rin aniyang programa ang gobyerno para sa mai-promote ang mga hybrid rice ng bansa.
Kaugnay nito, hinikayat naman ng Inang Lupa Movement ang pamahalaan at pribadong sektor na mag-invest sa agrikultura at agri-business.