Maipakikita ng mga Pilipino ang kanilang pagmamahal at sakripisyo para sa bayan sa pamamagitan ng responsableng pagboto sa May 9 Elections ayon sa Simbahang Katolika.
Sinabi ni Antipolo Bishop Gabriel Reyes na isang hamon sa mga botante ang responsableng pagboto sa mga kandidatong sa tingin nila ay makapaglilingkod ng mahusay sa bansa sa susunod na anim na taon.
Dahil kung hindi aniya pag-iisipan ng mga botante ang kanilang iboboto ay huwag na itong umasang may magiging pagbabago sa bansa.
Hinikayat ni Reyes ang mga botante na ikonsidera ang mga kandidatong iniisip ang kapakanan ng bansa at hindi ang pansariling kapakanan.
By: Allan Francisco