Pinapurihan ng animal rights group na People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) ang mga kagawad ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ito’y makaraang magviral sa social media ang ginawang pagpapakain ng K-9 force ng PCG sa mga aso’t pusa na palaboy-laboy sa kalsada sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa lugsod ng Maynila.
Ayon sa PETA, labis nilang ikinatutuwa ang ginawang pagmamalasakit ng coastguard sa mga hayop ngayong panahon na walang kasiguruhan kung kailan magbabalik sa normal.
Kasunod nito, umapela ang PETA sa mga komunidad at iba pang nasa poder na gawing inspirasyon ang naging hakbang ng PCG na kalingain pa rin ang mga hayup sa gitna ng krisis.