Ipaparating kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo ang umano’y pagmamaltrato sa mga matatandaang inaalagaan sa mga Home for the Aged sa bansa.
Sinabi ni Direk Haydee Sison sa kanyang programa sa DWIZ na ipaparinig niya mismo kay Secretary Taguiwalo ang ibinunyag ng isang lolo na dating nasa home for the aged kung paano tinatrato ang mga matatandang inaalagaan ng mga home cares.
Sinabi ni Direk Haydee na dapat mapagtuunan din ito ng DSWD at maimbestigahan para mabatid kung nangyayari pa rin ang ganitong practice sa mga panahong ito.
Kabilang sa mga ginagawa umano sa mga kawawang matatanda ay pagsakal ng tuwalya kapag nagrereklamo ang mga ito, inilalagay sa isang isolation room, hindi pagagamitin ng wheelchair at pagpapagamit ng oxygen na walang laman.
By: Aileen Taliping