Ibinunyag ng dating residente ng isang kilalang home for the aged ang mga pagmamaltratong ginagawa sa mga matatandang kasamahan.
Sinabi sa DWIZ ng dating residente na may mga staff na malupit sa mga matatandang inaalagaan sa loob ng home for the aged.
Kabilang aniya dito ang pananakal ng tuwalya sa mga matatanda kapag may konting reklamo at tinanggalan ng wheelchair .
Gustuhin man aniya nilang magsumbong sa management ay hindi nila magawa dahil walang magamit na wheelchair.
Bukod dito, sinabi ng lolong dating residente na pinapagamit ang mga pasyente ng oxygen subalit wala namang laman at bula lang ang lumalabas.
Kapag gusto aniyang parusahan ang mga matatanda ay inilalagay sa isolation room.
By: Aileen Taliping