Hihilingin ng League of Provinces of the Philippines o LPP sa Inter-Agency Task Force na obligahin ang lahat ng turista na magsagawa ng alinman sa PCR test.
Ito’y matapos bawiin ng pamahalaan ang travel authority na inisyu ng PNP at local health certificate requirement para sa domestic travel.
Ayon kay LPP President at Marinduque Gov. Prebistero Velasco, Jr. na maaaring mahirapan sila na madetermina kung sino ang carrier ng virus kung susundin ang IATF resolution 101.
Dagdag ni Velasco, kung makukumpirma na positibo ang isang indibidwal sa COVID-19 ay agad itong isasailalim sa swab test at ika-quarantine upang hindi na makahawa sa iba.— sa panulat ni Rashid Locsin