Tinuligsa ni dating senador at dating Philippine National Police Chief Panfilo Lacson ang pagbibigay ng kontrol sa PNP Highway Patrol Group para magmando ng trapiko sa EDSA.
Ayon kay Lacson, dapat magpokus ang HPG sa paghuli sa mga adelantadong motorista at hayaan na lamang sa Metropolitan Manila Development Authority ang pagsasaayos ng daloy ng trapiko.
Binigyang-diin ni Lacson na sang-ayon naman siya sa paglalagay sa HPG sa EDSA, pero hindi aniya dapat complete take-over.
Simula bukas, pangungunahan ng HPG ang pagmamando sa trapiko sa 6 na chokepoints sa EDSA.
By: Meann Tanbio