Nanawagan ang young guns ng kamara kay Vice President Sara Duterte, na tigilan na ang pagmamanipula sa taumbayan.
Ayon kay Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, kailangan nang tuldukan ni VP Sara ang sinasabing “Gaslighting” o paglilihis sa atensyon ng taumbayan at ang pambabatikos nito sa mga miyembro ng kamara.
Hiling ni Congressman Acidre, ituon na lamang ng Pangalawang Pangulo sa mandato ng konstitusyon ang kaniyang atensyon.
Iginiit din ng mambabatas ang kahalagahan ng integridad; responsibilidad; at paggalang sa tiwala ng taumbayan sa pagsisilbi sa publiko.
Dagdag pa nito, tungkulin ni VP Sara na pangalagaan at ipagtanggol ang saligang batas kung saan ang tungkulin aniya nito sa pamahalaan ay hindi pribilehiyo o plataporma para sa titulo kundi isang sagradong posisyon hinggil sa pagpapanatili sa tiwala ng publiko.
Binigyang diin pa ng Tingog solon, ang karapatan ng taumbayan na magkaroon ng mahusay na pamamahala, transparency, at responsableng paggamit ng yaman ng bayan na mahalagang maisabuhay ng bawat lider ng bansa.