Pinayagan na ng simbahang katoliko ang pagmarka ng mga krus sa noo ng mga mananampalataya sa pagdiriwang ng Ash Wednesday, sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma.
Ayon sa CBCP-ECL, opsyon ang paglalagay ng abo sa noo sa gitna COVID-19 pandemic.
Kasabay nito, tiniyak ng simbahan na ipagpapatuloy nila ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa pagdiriwang ng Kuwaresma.
Samantala, kung papayagan ang mga relihiyosong prusisyon, dapat itong makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan at mga opisyal ng barangay. —sa panulat ni Kim Gomez