Pag-iigihin pa umano ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang pagmamatyag sa mga dayuhan ngayong taon.
Matatandaang higit 100 dayuhan ang nahuli dahil sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Ayon kay PDEA Director General Isidro Lapeña, mga chinese ang nangunguna sa listahan ng drug foreign suspects.
Sumusunod ang mga Taiwanese, Hong Kong Nationals, Koreans, iba pang Asyano, Amerikano, Europeans, at Africans.
By: Avee Devierte