Ipinagbawal na ang metal mining sa El Salvador.
Ito ay makaraang pirmahan ni El Salvador President Salvador Sanchez Ceren ang pagpapatupad sa batas na ito.
Lumalabas na ito ang kauna-unahang bansa sa buong mundo na nagbawal sa pagmimina ng metal bilang pagtugon sa mga panawagang pagbibigay proteksyon sa kalikasan.
Batay sa batas, mahigpit na ipagbabawal ang prospection, exploration, exploitation, extraction at pagproseso ng metallic minerals sa naturang bansa.
Ayon kay Salvadoran Ecological Unit President Mauricio Sermeno, sa halip na magbigay ng kaginhawaan sa mga komunidad, polusyon at pagkasira ng kalikasan ang idinudulot ng pagmimina.
By Ralph Obina
*AFP Photo