Suspendido pansamantala ang mga aktibidad ng pagmimina at pagku-quarry sa Bulacan kasunod ng pagkamatay ng limang rescuer at isang sibilyan noong kasagsagan ng bagyong Karding.
Ito ang tiniyak ni Bulacan Governor Daniel Fernando.
Aniya, maglalabas ito ng Executive order upang masuspindi ang naturang aktibidad sa lalawigan.
Sinabi rin ng Gobernador na hindi nito mapapayagan ang pagmimina dahil maaaring pumasok ng todo ang bagyo kung masira ang Sierra Madre.
Kaugnay nito, umabot sa P3-B ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.
Samantala, kabilang sa mga tinamaan ng matinding bagyo ang San Miguel, San Rafael, San Ildefonso at Doña Remedios Trinidad. —sa panulat ni Hannah Oledan