Hindi makatuwirang ipagbawal ang pagmimina sa bansa.
Pananaw ito ni dating MBC o Makati Business Club Chairman Ramon Del Rosario Jr. Dahil marami namang kumpanya ang responsable sa pagmimina.
Sinabi ni Del Rosario na nuong pinuno pa siya ng MBC ay tinarget nilang magkaruon ng kasunduan ang gobyerno at mining industry para payagan ang responsible mining.
Dapat aniyang magkasuon ng balanse sa pagitan nang pagbibigay proteksyon sa kapaligiran at pagangailangang umunlad ang ekonomiya ng bansa.
Magugunitang kinansela ni Environment Secretary Gina Lopez ang 75 mining contracts na sumasakop sa watershed areas bukod pa sa naunang desisyong ipasara ang 23 mining operations at pag suspindi sa limang iba pa.
By: Judith Larino