Posibleng mapagalaw ng pagmimina sa Bulacan ang West Valley Fault.
Ito ang pangamba ng SSMESI o Sagip Sierra Madre Environmental Society Incorporated dahil malalim na ang minimina ng isang pabrika ng semento sa Bulacan para makakuha ng limestones.
Sinabi ni Brother Martin Francisco ng nasabing grupo na naririnig umano ang lakas nang pagsabog mula sa quarrying sa malalayong lugar.
Sakaling maging mitsa ng pagyanig ang pagsabog, kaagad umanong maaapektuhan ang Donia Remedios Trinidad, Norzagaray, Minuyan, Bigte at Matiktik.
Ayon pa kay Francisco, nangangamba rin sila na posibleng bumigay ang Angat Dam dahil nakatayo ang isa sa dike nito sa taas ng West Valley Fault.
Ipinabatid ni Francisco na makikipag-pulong sila kay Bulacan Governor Wilhelmino Alvarado hinggil dito.
By Judith Larino