Iminungkahi ng isang Kongresista na itigil muna ang pagmimina sa Mindanao.
Ito ayon kay Agusan del Norte Representative Lorenz Fortun dahil aniya sa sunod-sunod na lindol.
Aniya, delikado para sa mga minero na magpatuloy pa ng pagmimina gayung sunod-sunod ang mga nararamdamang pagyanig.
Dahil dito, tinawagang pansin ni Fortun ang Department of Enviroment and Natural Resources (DENR) na ipasuspindi ang operasyon ng pagmimina sa Mindanao.
Dagdag pa ni Fortun, hindi regular na empleyado ang karamihan sa mga minero kaya’t walang matatanggap na benepisyo ang mga ito sakaling may mangyaring masama sa kanila.