Mahigpit nang minomonitor ng Department of Agriculture o DA ang mga lugar na apektado ng matinding tagtuyot dulot ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Zaldy Boloron, chief of operations ng DA-Region 12, lumakad na ang kanilang technical team para tukuyin ang mga palayan sa rehiyon na apektado ng labis na tagtuyot.
Patuloy namang bini-verify ng da regional office ang mga datos para kaagad maisagawa ng cloud seeding operations.
Kasabay nito nanawagan si Boloron sa mga magsasaka na makipag tulkungan din sa DA para maiwasan ang pagkasayang ng mga itatanim na palay ngayong panahon ng tag init sakaling maapektuhan ng El Niño.