Nanindigan ang Supreme Court na hindi maaaring ituring na oral defamation o slander ang pagmumura.
Ito ang nakasaad sa jurisprudence decision ng Korte Suprema sa Reyes versus People of the Philippines.
Sa desisyong isinulat ni S.c. Associate Justice Querube makalintal noong March 28, 1969 bago pa ito maging punong mahistrado, ibinasura nito ang reklamong oral defamation laban sa isang Rosauro Reyes na isinampa ng complainant na si Agustin Hallare.
Ayon sa Korte Suprema, ang direktang pagmumura ay common expression lamang ng taong nagagalit o naiinis at hindi ito maituturing na paninirang puri o slander.
Nag-ugat ang desisyon ng kataas-taasang hukuman sa inihaing petisyon ng isang Rosauro Reyes, isang civilian employee ng navy exchange sa Sangley point, Cavite City.
Si Reyes ay kinasuhan ni Agustin Hallare ng mga kasong grave threat at oral defamation makaraang pagbantaan siya nito na papatayin saka pinagmumura, dahil sa hinala ni Reyes na si Hallare ang siyang naging dahilan o nanira sa kanya kaya siya natanggal sa trabaho sa navy exchange sa Sangley Point.
Bagamat naibasura ang kasong oral defamation laban kay Reyes, pinagtibay naman ng high tribunal ang kasong grave threat na ipinataw ng mababang hukuman at court of appeals laban dito.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 3) Bert Mozo