Binalikan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kasunod ng mga naging pahayag nito laban sa Santo Papa.
Kinuwestyon ni CBCP President Soc Villegas ang naging pahayag ni Duterte sa pagsasabing ito ba ang sinasabing leadership by example.
Tahasang sinabi ni Villegas na ang korupsyon ay hindi sa pagnanakaw lamang ng kaban ng bayan bagkus korupsyon ding maituturing ang pagpatay, pakikiapid at pagiging bulgar.
Sinabi pa ni Villegas na napapayuko na lamang siya sa malaking kahihiyan sa nangyaring pagmumura sa Santo Papa na tinawanan pa ng mga tao.
Sa huli muling naitanong ni Villegas na ganitong klase ba ng lider ang siyang karapat-dapat na tawaging kagalang-galang?
By Rianne Briones