Winelcome ng palasyo ang pagnanais ng CBCP na makipag tulungan sa gobyerno sa kabila nang magkasalungat na pananaw sa kampanya kontra illegal drugs.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella wala namang imposible at kung nuon pa naging bukas ang CBCP sa isyu ay mas maganda pa ang working relationship ng magkabilang panig.
Sinabi ni Abella na hindi siya sigurado kung sino kina Cabinet Secretary Leoncio Evasco, NEDA Director General Ernesto Pernia at DILG Secretary Ismael Sueno na pawang dating seminarians ang nakikipag usap sa kinatawan ng CBCP.
Una nang inihayag ni CBCP President Socrates Villegas na nagtakda na sila ng mga bishop na makikipag usap sa gobyerno sa kampanya kontra iligal na droga.
By: Judith Larino