Pagnanakaw ang pangunahing krimen na naitala sa isla ng Boracay sa unang quarter ng taon.
Sa tala ng Boracay Tourist Assistance Center, 170 ang naitalang theft case Habang lima (5) naman ang robbery case o 47% ng kabuuang 622 sa mga nangyaring krimen mula enero 1 hanggang Marso 31.
Kabilang dito ay ang carnapping o carjacking.
Samantala, 63 kaso ang naitalang kaso na may kaugnayan sa traffic incident kung saan halos tatlumpu (30) dito ay nagresulta sa physical injury.
By Rianne Briones