Nababahala ang gobyerno sa malawakang looting at pagnanakaw ng Maute Group at iba pang grupong kriminal sa Marawi City.
Kasunod na rin ito ng report na nakatakas at nasagip na ang mga hostages sa Marawi City kung saan patuloy ang bakbakan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, batay sa pagtaya ng mga otorida, 500 Milyong Pisong cash ang halaga ng mga nanakaw ng Maute Group sa mga bahay bahay na kanilang napupuntahan bukod pa sa mga alahas, ginto, mga bala at baril.
Inuutusan din umano ng mga kriminal ang kanilang mga bihag na magnakaw sa mga establishments.
Sinabi ni Abella na nakakabahala ang ginagawa ng Maute Group na binabantaan din ang kanilang mga bihag na kapag hindi magpapasakop sa Islam ay kanilang papatayin ang mga ito.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
Pagnanakaw sa Marawi City ikinakabahala ng gobyerno was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882