Hindi itutuloy ang pagnenegosyo ng Chinese investors sa isla ng Fuga sa Cagayan at mga isla ng Grande at Chiquita sa Subic Bay, Zambales.
Tiniyak ito ng Malakaniyang sakaling magdulot ng banta sa seguridad ang planong pagtatayo ng smart city sa tatlong nabanggit na isla.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi mag aatubili ang palasyo na ibasura ang panukala ng Chinese investors lalo na kung irerekomenda ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na mapanganib para sa bansa ang mga proyekto.
Kasabay nito sinupalpal ni Panelo ang plano ni Senador Risa Hontiveros na imbestigahan ang Chinese investment sa tatlong isla dahil proposal pa lamang at hindi pa pinal ang nasabing pagne-negosyo ng Chinese investors.