Ibinabala ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang posibleng pagnipis ng suplay ng kuryente sa bansa ngayong tag-init.
Sa panayam sa DWIZ, sinabi ni Atty. Cynthia Alabanza, tagapagsalita ng ngcp na posible itong maganap sa buwan ng Abril hanggang Hunyo dahil sa mataas na demand.
Ngayong Enero, ilang generation units ang nagpalawig sa kanilang maintenance shutdowns na nagresulta ng yellow alert na inilabas nitong Emero 10 at 11.
Unang nagpalabas ng red alert ang NGCP sa luzon grid noong Mayo 31 at Hunyo 1 hanggang 2 taong 2021. —sa panulat ni Abby Malanday