Tiwala ang kampo ni Patricia Bautista na mapapa-impeach nila si COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista.
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, kumpleto na sa ebidensya at mga dokumento si Patricia noong unang lumapit ito sa kanila noong 2013.
Sa ngayon aniya ay pinag-aaralan na ng mga abogado ni Ginang Patricia kung sinong pribadong indibiduwal ang maghahain ng impeachment complaint laban sa kanyang asawang si Chairman Bautista.
“Fully documented, nakita naman natin sa TV, she had physical evidence, yung 1.2 na yun based on the documents, maaaring mas malaki pa yan, maaaring may mga kinon-ceal pa si Chairman Andy na hindi natin alam, I’m reminding everybody na ang dating Chief Justice ng Supreme Court ay na-impeach for 30 million, 30 million na hindi niya inilagay sa SALN, dun pa lang ay puwede na siyang ma-impeach eh kasi ang nilagay ng Chairman Andy sa kanyang SALN as of 2016 is a 176-million.” Ani Kapunan
Ayon kay Kapunan, ngayon pa lamang ay handa na si Patricia na tumestigo laban sa kanyang asawa kapag gumulong na ang impeachment complaint.
Una rito, inatasan na ng Department of Justice o DOJ ang NBI o National Bureau of Investigation na imbestigahan ang di umano’y tagong yaman ni Bautista samantalang naghain naman ng resolusyon si Senador Tito Sotto para imbestigahan ito ng Senado.
“Matagal niya nang pinag-isipan yan 2013 pa siya nag-iisip niyan, ngunit nung nalaman niya na ganun na ang nangyayari, because sa PCGG pa lang noong Chairman siya ay lumalabas na ang balita ng ghost employees, totoo naman nakita ni Patricia sa cabinet ni Chairman Andy ang payslips ng mga empleyado, why would he have that kung hindi siya ang kumukubra ng mga paycheck na yan?” Pahayag ni Kapunan
By Len Aguirre | Ratsada Balita Interview