Walang makapipigil sa Pilipinas na magpadala ng mga military aircraft sa West Philippine Sea upang mag-patrol sa kabila ng presensya ng mga Tsino.
Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos umanong balaan ng Chinese military ang isang pilotong Filipino sa Spratly Islands.
Ayon kay Roque, dapat ding ma-beripika ang ulat kaugnay sa paglipad ng isang US navy P-8a poseidon reconnaissance plane na nakasagap ng babala mula sa Chinese military.
Wala naman anyang masama kung mag-patrol ang mga aircraft ng Armed Forces lalo sa teritoryong inaangkin ng Pilipinas sa Spratly Islands.