Limitado ngayon ang pagpalaot ng mga mangingisda dahil sa patuloy na paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo sa international market.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nahihirapang pumalaot ang mga mangingisda maging ang mga maliliit na sasakyang pandagat dahil sa mataas na presyo ng krudo.
Dahil dito, nagkukulang ang suplay ng isda kung saan, kinakailangang palawigin ang pag-aangkat ng imported na isda sa bansa.
Sa datos ng BFAR nasa 90 libong metrikong tonelada ng isda ang inaasahang kakapusan sa mga susunod na quarter ng taon.
Sinabi ng BFAR na mayaman ang Pilipinas sa produksiyon ng isda pero hindi sapat ang catching effort dahil sa limitadong pagpalaot ng mga mangingisda.