Tinutulan ni Magsasaka Party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat ang planong pagpalit ng materyales sa paggawa ng perang papel ng Bangko Sentral Ng Pilipinas.
Ayon kay Cabatbat, maaaring magkaroon ng negative effect sa local industry ng abaka ang paggamit ng polymer na isang sangkap o materyal na binubuo ng napakalaking molecules, o macromolecules sa halip na abaca-cotton ang gamitin sa paggawa ng pera.
Dagdag pa ni Cabatbat na makikinabang lamang ang kumpaniyang magsusuplay nito sa plano ng BSP.
Una nang tinutulan ni Philippine Fiber Industry Development Authority (PHILFIDA) ang naging plano ng BSP na sinang-ayunan naman ng naturang mambabatas. —sa panulat ni Angelica Doctolero