Pabor ang simbahang katolika at election watchdog na National Movement for Free Elections o NAMFREL sa naging panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Elections o COMELEC na bitiwan na ang Smartmatic bilang service provider tuwing eleksyon sa bansa.
Ayon sa panlipunang katuruan ng simbahang katolika, sagrado ang halalan dahil mahalagang sangkap ito ng demokrasya at unang hakbang din sa pagbabago ng lipunan kaya dapat itong seryosohin.
Naniniwala naman ang NAMFREL na isa ito sa magandang pagkakataon upang tumuklas ng iba pang mga teknolohiya na maaaring magamit sa halalan.
Dagdag nito, napapanahon na anila na suriin at amyendahan ang Republic Act. No. 9396 o Automated Election Law na napatunayan naman ang kapasidad nang magamit ito sa mga nakalipas na halalan sa Pilipinas maging sa ibayong dagat.