Dumagsa ang mga nagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya nang namayapang si CHR Chairperson Chito Gascon.
Matinding pagluluksa ang hinaharap ng CHR sa pagkamatay ng pinuno nilang si Gascon na buo anila ang loob na paglaban sa freedom, truth at justice para maisulong ang karapatang pantao.
Ayon kay Atty. Jacque De Guia, Spokesperson ng CHR ..nagsilbing inspirasyon ang liderato ni Gascon sa komisyon para mapalakas ang culture of enabling, empowering and safe environment na nagtulak sa kanilang mga empleyado na magsilbi ng tapat at may malasakit sa mga pilipino.
Inihayag ng karapatan na nalulungkot sila sa nangyari kay Gascon na matinding hamon ang hinarap kasama ang CHR mula sa banta ng Duterte administration para lamang maipagtanggol ang kanilang mandato kontra sa madugong drug war ng gobyerno.
Kinilala naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang maayos na pagtupad sa tungkulin ng CHR sa pangunguna ni Gascon para maipatupad ang human rights laws.
Samantala ..tinawag na human rights champion ng AFP si Gascon na nagtulak pa sa sandatahang lakas na panatilihin ang mga prinsipyo ng human rights and international humanitarian law.