Ikinalungkot ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pagpanaw ni dating Senate President Aquilino “Nene” Pimentel Jr..
Ayon sa inilibas na pahayag ng grupo, tinawag nila si Pimentel na isang “Patriot, democrat and friend of the philippine revolution”.
Dagdag pa ng CPP, isang inspirasyon si Pimentel lalo na sa mga kabataan at sa mga nagsusulong para sa mga tumutuligsa sa umanoy “tyranny”.
Ipinapahatid din ng grupo ang kanilang pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ng yumaong dating senador.
Matatandaang si Pimentel ang founder ng Partido Demokratikong Pilipino (PDP) na isa sa mga tumuligsa sa diktaturya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.