Itinuturing ng Malakaniyang na isang malaking kawalan sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagpanaw ng business tycoon na si John Gokongwei Jr.
Iyan ang inihayag ng Palasyo kasabay na rin ng kanilang pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya at mga naulila ng ikatlong pinakamayamang tao sa bansa.
Ayon kay Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, nararapat lamang tularan ng lahat ang mga nai-ambag ni Gokongwei Jr. sa larangan ng pagnenegosyo.
Taong 1957 nang magsimula si Gokongwei Jr. sa isang cornstarch plant na siyang naging mitsa sa paglago ng kanilang negosyo.
Pumanaw si Gokongwei Jr. sa edad na 93 kung saan, iniwan nito ang ilang malalaking negosyo tulad ng pagkain, transportasyon, gamot, bangko, real estate at iba pa.