inuulan ng mga post ang iba’t ibang social media partikular ang Twitter at Facebook mula sa mga kilalang personalidad sa sports, entertainment at politics sa pagpanaw ng tinaguriang “the greatest boxer that ever lived” na si Muhammad Ali.
Kabilang sa mga nakiramay sa pamamagitan ng pagpo-post sa kani-kanilang Twitter account sina dating heavyweight champion Mike Tyson; Oscar “the golden boy” Dela Hoya; Top Rank CEO. Bob Arum at 8 division world champion at ngayo’y Senator-elect Manny Pacquiao.
Nakiramay din ang mga music artist na sina Lionel Richie sa pamamagitan ng pagpo-post ng kanyang lumang larawan kasama si ali, Madonna, Beatles drummer Ringo Starr, Justin Bieber at Snoop Dogg.
Sa larangan ng pulitika, nagpahayag din ng pakikidalamhati sina Senador Sonny Angara, British Prime Minister David Cameron at US. Republican Presidential Hopeful Donald Trump.
Pumanaw si Ali o Cassius Marcellus Clay sa edad na Pitumpu’t Apat dahil sa komplikasyon sa baga makaraang isugod sa ospital sa Phoenix, Arizona, kahapon.
Isa sa mga hindi malilimutang laban ni Ali ay ang ikatlong paghaharap nila ni Joe Frazier na tinawag na “Thrilla in Manila” sa Araneta coliseum, sa Quezon City, noong October 1, 1975 na kinikilala bilang “greatest boxing match of all time.”
Kaugnay dito, Labis na ikinalungkot ni People’s Champ at Senator- elect Manny Pacquiao ang pagpanaw ng boxing legend na si Mohammad Ali.
Sinabi ni Pacman, hindi lamang ang boxing ang nawalan sa pagpanaw ni Ali kundi ang buong mundo ng palakasan.
Magugunitang ilang buwang nanatili si ali sa pagamutan nuong isang taon dahil sa malubhang UTI at Pneumonia bukod pa sa iniindan nitong Parkinson’s disease
Pumanaw si Ali kahapon at kasalukuyang nakalagak ang labi nito sa kaniyang bayan sa Louiseville, Kentucky.
By: Drew Nacino / Jaymark Dagala