Hindi nakapagtataka kung bakit ipinagtanggol ni Pangulong Benigno Aquino III si Senator Grace Poe kaugnay ng disqualification case laban dito.
Ito ang binigyang diin sa DWIZ ni Rizalito David matapos igiit ni Pangulong Aquino na dapat hayaang tumakbo si Poe sa Pampanguluhang Halalan sa susunod na taon.
Ayon kay David, ito’y dahil may mga nilabag na aniyang batas ang Punong Ehekutibo na kinabibilangan ng Disbursement Acceleration Program o DAP at iba pa.
Naniniwala naman si David na walang mali ang Chairman ng Senate Electoral Tribunal o SET na si Senior Justice Antonio Carpio makaraang sabihin na naturalized Filipino citizen si Poe.
“In the course of the discussion po ay nailabas niya yung opinion na ‘yun eh, natural lang naman kasi ‘yun, siguro ang nangyari dun nung mapansin ng media, pinuntahan siya ulit ng media at siya ay ininterview.” Pahayag ni David.
By Jelbert Perdez | Karambola