Isang malaking hakbang sa mahigpit na kampanya ng gobyerno kontra iligal na droga ang pagpapa aresto ng korte kay Senador Leila de Lima.
Binigyang diin ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ang pagpapa aresto kay De Lima ay katuparan ng kampanya ng Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin ang problema sa iligal na droga.
Ang pagpapa aresto aniya ng korte kay De Lima ay pagpapakita lamang na nagta trabaho talaga ang Pangulo para malinis sa mga kriminal ang mga lansangan at masagip ang mga kabataan.
Sinabi ni Abella na ang nasabing hakbang ay magbibigay kay De Lima ng oportunidad para mapatunayang wala siyang kinalaman sa umanoy operasyon ng iligal na droga sa NBP o New Bilibid Prisons.
By: Judith Larino