Iginiit ng Liberal Party Senators na political harassment at political persecution ang pagpapa aresto sa kapartidong si Senador Leila de Lima.
Binigyang diin ng LP senators na kinabibilangan nina Francis Pangilinan, Bam Aquino, Risa Hontiveros at Franklin Drilon na Sandiganbayan at hindi RTC ang may hurisdiksyon sa kaso ni De Lima dahil ang alegasyon ay nag ugat nuong ito pa ang kalihim ng Department of Justice.
Imposible rin anilang nabasa kaagad ni Muntinlupa RTC Branch 204 Judge Juanita Guerrero ang inihaing motion to quash ng mga abogado ni De Lima dahil kakagaling lamang nito sa bakasyon sa Macau.
Nangangamba rin ang LP sentors na malagay sa alanganin ang buhay ni De Lima na posibleng sapitin ang nangyari kina Albuera Mayor Roland Espinosa at Jee Ick Joo na namatay sa kamay ng mga otoridad.
By: Judith Larino / Cely Bueno